PSPC Hymn
PHILIPPINE SOCIETY OF PEDIATRIC CARDIOLOGY (PSPC) HYMN
Lyrics By: Ma. Rhodora Garcia-de Leon, MD
Music by: Jorge A. Sison,MD
Chorus: Ang puso ay buhay, ang puso ay pag-ibig;
Ating mga kabataan, sila’y puso ng kinabukasan.
Ating anak na sa puso’y may kapansanan;
Lalong nangangailangan ng higit na pagmamahal;
Kaming manggagamot sa puso ng kabataan;
Alay ang gaming talino at tanging kaalaman.
(Repeat Chorus)
Layunin ng PSPC, hirap ay maibsan;
Sa patnubay ng dakilang Maykapal;
Tulong-tulong tayong sila ay malunasan;
Mga sakit sa puso ng ating kabataan.
(Repeat Chorus)
Itaguyod natin ang pusong malusog;
Pagka’t ang puso ay ating buhay;
Ang puso ay pag-ibig;
Ating mga kabataan,
Sila’y puso ng kinabukasan.
(Repeat Chorus 2x)
Sila’y puso ng kinabukasan…